Inatasan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng parallel investigation sa kaso ng pagpatay sa isang mag – ina sa General Trias, Cavite.
Alinsunod sa Department Order 979, inutusan din ni Aguirre si NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng case build up laban sa mga posibleng nasa likod ng brutal na pagpatay sa mga biktimang sina Ruby Gamos at pitong (7) taong gulang na anak nitong si Shaniah Nicole.
Magugunitang batay sa otopsiya ng doktor ng punerarya, namatay ang inang si Ruby dahil sa tinamong traumatic injuries sa ulo habang asphyxia by suffocation naman ang ikinamatay ng anak nito.
Hinihinala ding kakilala ng mga biktima ang mga salarin dahil walang palatandaang puwersahang pinasok ang tahanan ng mga ito habang pagnanakaw ang tinitignang motibo sa krimen.