Inabisuhan na ng United Nations – World Health Organization (UN–WHO) ang mga member country nito na limitahan ang paggamit ng kontrobersyal na dengue vaccine na ‘dengvaxia’ sa mga nagkaroon lamang ng sakit.
Ayon sa WHO, hindi dapat iturok ang bakuna sa mga hindi pa tinatamaan ng dengue virus at dapat ding paigtingin ang mga hakbang upang mabawasan ang exposure sa dengue infection lalo sa mga lugar kung saan isinagawa ang vaccination.
Sa Pilipinas, tinatayang walongdaang libo tatlumpung (830,000) bata ang binakunahan ng dengvaxia sa ilalim ng dengue immunization program na una nang sinuspinde ng Department of Health (DOH) hangga’t hindi natatapos ng mga eksperto mula sa WHO pag – aaral sa mga development sa vaccine.
Simula nang maging “available” noong 2016 ang dengvaxia na mina – manufacture ng French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur, ginagamit na sa 19 na bansa ang anti – dengue kabilang ang Pilipinas.