Walang magaganap na pagtaas ng pamasahe sa pampasaherong jeepney ngayong holiday season ayon sa Liga ng Transportasyon at Opereytor ng Pilipinas o LTOP.
Ito ang nilinaw ni LTOP National President Rolando Marquez matapos i-atras ng grupo ang kanilang kahilingan ng dagdag na dalawang piso sa pamasahe sa mga pampasaherong jeep upang hindi ito makasabay sa dami ng gastusin ng mga Pilipino ngayong holiday season.
Dagdag ni Marquez, ini-urong na lamang nila ang kanilang petisyon sa Pebrero 2018.
Kasabay nito, nanawagan din si Marquez na ipagbigay alam sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa oras na may malamang nagtaas ng pasahe ng jeep gayung walang abiso mula sa ahensya.