Umabot na sa mahigit anim na libong (6,000) pasahero ang stranded dahil sa pananalasa ng Bagyong Urduja.
Ayon sa datos ng PCG o Philippine Coast Guard, nasa kabuuang 16,449 na pasahero ang hindi makabiyahe habang nasa 1,711 na rolling cargoes, 134 na mga sasakyang pandagat at 37 motor banca ang pinagbawalang makapaglayag dahil sa naturang sama ng panahon.
Kabilang din sa apektado ang iba’t ibang pantalan sa Central Luzon, Eastern Visayas, Bicol, Western Visayas, Southern Tagalog at Southern Visayas.
Inalerto din ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang malalaking sasakyang pandagat kaugnay sa paghampas ng malalaking alon.
Samantala, ilang mga domestic flights din ang kanselado pa rin dahil sa patuloy na sama ng panahon.
Kabilang dito ang limang commercial airline companies na may biyahe sa Legazpi, Caticlan, Roxas, Kalibo, Busuanga, Naga, at Masbate.