Pinagpapaliwanag ng NPC o National Privacy Commission ang Uber Philippines kaugnay sa mga hakbang nito ukol sa malawakang data breach sa personal data ng kanilang 171,000 na pasahero at drayber noon pang nakaraang taon.
Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, ipinatawag na niya ang ilang opisyal ng Uber upang mabigyang linaw ang kanilang paraan para tiyakin ang kaligtasan o mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga pasahero at drayber.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay nangyari ang pang ha-hack sa kanilang system kung saan nagalaw ang personal na nilalaman na impormasyon ng kanilang mga pasahero at tsuper.
Ipinangako naman ng Uber na hindi na mauulit muli ang naturang insidente.
Nagpaalaala din si Liboro na maituturing na isang krimen ang pagtatago ng data breaches sa mga personal na impormasyon.