(9:13am)
Tuluyan nang humina ang Bagyong Urduja na isa na lamang ngayong tropical depression.
Sa pinakahuling pagtaya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAG-ASA, namataan si Urduja sa bisinidad ng Mobo, Masbate na may lakas ng hangin na 55 kilomters per hour at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ito sa direksyong kanluran-timog-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa araw ng miyerkules.
Samantala, ilang lugar na lamang sa bansa ang nasa ilalim ngayon ng warning signal number 1 na kinabibilangan ng southern part ng Occidental at Oriental Mindoro, Romblon, Sorsogon, Masbate kabilang na ang Burias at Ticao Islands, northern part ng Palawan, Cuyo at Calamian Group of Islands, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Samar, Northern Samar, Eastern Samar at Biliran.