Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang programang Oplan Kalusugan o OK na naglalayung matiyak ang pagbibigay ng pangangailangang pangkalusugan at dental ng mga estudyante.
Ayon kay Education Secretary Leoner Briones, titiyakin sa “OK sa DepEd Program” ang pagkakaroon ng malusog na kaugalian sa lahat ng DepEd school health personnel at mga estudyante.
Gayundin ang makakuha at mabigyan ng mga serbisyong pangkalusugan mula sa health providers mula sa Department of Health (DOH) at Local Government Units (LGU’s).
Nakatakda namang simulan ang OK sa DepEd Program sa Hulyo ng school year 2018 – 2019 sa tulong ng DOH at LGU’s.