Inaasahan ng DOH o Department of Health na bababa ang bilang ng mapuputukan sa pagsalubong ng bagong taon.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order Number 28 na naglilimita sa paggamit ng paputok.
Batay sa panuntunan ng Philippine National Police bawal ang mga paputok na lagpas sa dalawang gramo ang black powder at mga gawa sa nakalalasong kemikal tulad ng Watusi at Piccolo.
Bunsod nito, umaasa ang DOH na mahigit 50 porsyento ang magiging kaso ng firecracker injuries ngayon taon.
Gayunman nananatiling nakahanda sa pagtugon ang mga pagamutan sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga posibleng maging biktima ng paputok.