Mula sa 100 sumbong kada araw, bumaba na sa 4 ang mga sumbong kontra police ‘scalawags’ na natatanggap ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force o PNP-CITF.
Ayon kay CITF Spokesperson Captain Jewel Nicanor, sa nakalipas na 6 na buwan umabot sa 7,000 ang mga sumbong na ipinadala sa kanilang text hotline..
Karamihan sa mga sumbong ay pangingikil umano ng mga pulis, hulidap, pagprotekta sa droga at pagdukot.
Ayon kay Nicanor umaabot na sa 53 pulis ang kanilang naaresto kasama ang 17 sibilyan.
Labimpitong pulis dito ang sinampahan ng kasong administratibo.
Una nang sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na ang pagbaba ng bilang ng mga sumbong kontra ‘scalawags’ ay senyales na nababawasan na ang mga tiwaling pulis sa bansa.
—-