Tinawag na katawa tawa ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang paggigiit na mapaharap ito sa impeachment hearing sa Kamara.
Binigyang diin ito ni Atty Jose Deinla, isa sa mga abogado ni Sereno matapos ihayag ni Atty Larry Gadon ang pag iisyu ng subpoena ng House Justice Committee kapag patuloy na tumanggi ang punong mahistrado na dumalo sa impeachment hearing.
Sinigundahan ni Deinla ang naunang pahayag ni House Majority Floorleader Rodolfo Farinias na si Sereno na respondent sa impeachment proceeding ay hindi mapipilit na tumestigo.
Kasabay nito tiniyak ni Deinla ang paggalang ni Sereno sa impeachment process at magsusumite ito ng sagot niya sa mga alegasyon laban sa kaniya sa pamamagitan ng isang sulat.