Nangangamba si Senador Leila de Lima sa nalalapit na pagpasok sa Pilipinas ng isang telecommunication company mula sa China.
Ayon kay De Lima, posibleng mailagay sa alanganin ng hakbang na ito ang seguridad ng bansa.
Paliwanag pa ng Senadora, mapanganib ito dahil magiging bukas sa China at posibleng mapasok ang buong intelligence at defense system ng bansa.
Gayung may iringan kaugnay sa pinag aagawang teritoryo.
Giit ni De Lima na dapat isipin ng kasalukuyang administrasyon ang maaaring hinaharap na epekto ng pakikipag mabutihan ng Pilipinas sa China.