Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang sama ng panahon na kasalukuyang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Huli itong namataan sa layong 975 kilometro Silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok sa teritoryo ng bansa ang bagyo ngayong umaga o hapon at papangalanang ‘Vinta’.
Ibinabala ng PAGASA na sa Biyernes posibleng mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Southern Mindanao at inaasahang lalakas pa ito at maging isang tropical storm pagpasok sa kalupaan ng bansa.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling nakaalerto at mag-antabay sa susunod na weather bulletin.
Sa ngayon ay apektado ng tail end of a cold front ang silangang bahagi ng Northern at Central Luzon habang apektado naman ng trough ng Low Pressure Area ang Silangang Mindanao na magdadala ng kalat-kalat ng mga pag-ulan sa mga nasabing lugar.
—-