Pinag-iingat ng Food and Drug Administration o FDA ang publiko sa pagbili ng mga pagkain, laruan at mga produktong pampaganda ngayong Kapaskuhan.
Ayon sa FDA, makabubuting bumili lamang ng mga produktong aprubado ng FDA at mabibili sa mga pamilihan na rehistrado ng ahensya.
Kaugnay nito, hinimok ng FDA ang publiko na isumbong ang mga kahina-hinalang establisyemento gayundin ang mga hindi rehistradong produkto sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang hotline na 857-19-00 local 8113.
—-