Tinapos ng Milwaukee Bucks ang sunod – sunod na panalo ng Cleveland Cavaliers.
Pinayuko ng Bucks ang Cavs sa iskor na 119 – 116.
Pinangunahan ni Giannis Antetokounmpo ang tagumpay ng Bucks na kumana ng dalawampu’t pitong (27) puntos.
Samantala, hindi naman sumapat ang tatlumpu’t siyam (39) na puntos ni Lebron James para ilayo sa pagkatalo ang Cavs.