Timbog ang isang Vice Mayor sa Negros Occidental na masugid umanong supporter ng New People’s Army.
Ayon kay Chief Inspector Allan Reloi, hepe ng PNP sa bayan ng Moises Padilla si Vice Mayor Ellan Celestina Garcia-Yulo ay nahuli sa isang checkpoint kasama ang mister na si Feliz Mathias-Yulo habang sakay ng isang pick up truck na pag aari ng munisipyo.
Nakuha sa mag asawa ang apat na caliber 45 na baril na pawang walang lisensya, mga bala, dalawang granada, 45 thousand Pesos cash at dalawang sachet ng shabu.
Inihahanda na ang kaso laban sa mag asawang Yulo na pumapalag naman sa akusasyon at inihayag na tinaniman lamang sila ng ebidensya ng mga pulis na anila’y nagsasagawa ng political harassment sa kanila.
Kasabay nito ipinabatid ni Reloi na kilalang rebel infested area ang kanilang lugar sa Negros Occidental.