Hirap pa rin ang mga awtoridad na makuha ang mga katawan ng nasa dalawampung (20) tao na nananatiling nawawala matapos na ang landslide dulot ng bagyong Urduja sa lalawigan ng Biliran.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Biliran, gumagamit na sila ng backhoe para sa paghuhukay pero bigo pa rin silang makita ang mga ito.
Dagdag din sa pahirap ang nakakalat na malalaking bato at mga troso sa paligid bukod pa sa maputik na lugar dahil sa may umaagos na tubig sa ilalim nito at paminsan-minsang pag-uulan.
Batay sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Region 8, bukod sa dalawampung (20) nawawala, nasa 33 ang bilang ng nasawi sa lalawigan ng biliran habang 38 ang nasugatan.
Pinakamarami ang nasawi sa bayan ng Naval na umabot sa 20 katao, dalawa naman sa bayan ng Biliran, apat sa Almeria, siyam sa Caibiran at isa sa Cabucgayan.
Nananatili namangnakataas sa red alert status ang lokal na pamahalaan ng Biliran bilang paghahanda sa bagyong Vinta.
—-