Tutulong na ang mga pulis at mga tauhan ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority sa panghuhuli ng mga nagmamaneho nang naka-inom o lasing simula sa bagong taon.
Kasunod ito ng mataas na bilang ng mga naitalang kaso ng aksidente sa kalsada dahil sa drunk driving kung saan umabot sa mahigit isang libo (1,000) mula enero hanggang oktubre ng kasalukuyang taon.
Ayon sa LTO o Land Transportation Office, bilang pangunahing ahensiya na nagpapatupad ng Anti Drunk and Drugged Driving Act of 2013, maaari silang humingi ng tulong sa PNP at MMDA na itatalaga para sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Namahagi na rin ang LTO ng nasa animnaraang (600) mga breathalyzers o aparato na sumusukat sa alkohol sa pamamagitan ng hininga sa PNP at MMDA na maaaring magamit ng mga ito.