Nakatakdang kasuhan ngayong araw sa Ombudsman si dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pang mga opisyal na nasa likod ng pagtuturok ng anti-Dengue vaccine na Dengvaxia sa mga kabataan.
Sasamahan ni Gabriela Partylist Rep. Emmi de Jesus ang pamilya ng mga nasawi matapos maturukan ng nasabing bakuna para sa maghain ng kaso.
Matapos nito, sinabi ni De Jesus na dideretso sila sa Korte Suprema para maghain naman ng Petition for Mandamus para atasan ang pamahalaan na magbigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga batang naturukan ng kontrobersyal na bakuna.
Magugunitang ibinunyag ng PAO o Public Attorney’s Office na dalawang bata na ang namamatay matapos magkaroon ng Dengue makaraang mabakunahan ng Dengvaxia.