Nakatakdang maglibot ang mga senador sa buong rehiyon ng mindanao sa ikalawang linggo ng enero ng bagong taong 2018.
Ito’y ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri ay para sa kanilang ikinasang konsultasyon sa mga residente ng Mindanao kaugnay ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Bilang Vice Chairman ng Senate Committee on Local Government at Chairman ng sub-committee on BBL, sinabi ni Zubiri na mahalaga ang nasabing hakbang para malaman ang pulso ng mga taga Mindanao sa planong pagtatatag ng Bangsamoro entity.
Maliban sa Bangsamoro, hihingan din ng kanilang pananaw ang mga Kristiyano gayundin ang mga katutubong lumad hinggil sa panukala at inaasahan nilang makabubuo na ang mga Senador ng report sa loob ng tatlong linggo mula nang isagawa ang konsultasyon.