Ititigil na ng Australia ang airstrikes kontra Islamic State sa Iraq at Syria.
Inanunsyo ito ng Australia matapos ang matagumpay na paglaban kontra ISIS sa Iraq.
Ayon kay Australian Defence Minister Marise Payne, anim (6) na hornet jets ang kanilang ipapa-recall.
Bagamat mananatili pa rin sa Iraq ang kanilang refuelling at surveillance aircraft.
Matatandaang nasa pitongdaan at walumpung (780) military personnel ang ipinadal ng Australia sa Iraq at Syria bilang bahagi ng US-led Coalition.