Kinasuhan sa Office of the Ombudsman si dating Pangulong Noynoy Aquino at ilan pang miyembro ng gabinete nito.
Inihain ng ilang magulang ng batang nabakunahan ng dengvaxia ang kaso laban kay Aquino at kina dating Health Secretary Janet Garin, dating Budget Secretary Florencio Abad, dating Executive Secretary Paquito Ochoa at ilang mga executive ng Sanofi.
Tinukoy sa reklamo na alam ng naturang mga opisyal ang masamang resulta ng kanilang pinapasok ng kasunduan sa naturang French pharmaceutical company.
Hindi din umano maaring palagpasin ang naging pagpapabaya ng naturang mga opisyal na ibigay pa rin sa kabila ng kawalan ng review at assessment ng bagong gamot.