Naging produktibo ang Senado ngayong taon.
Ito ang ipinagmalaki ni Senate President Koko Pimentel kung saan marami aniyang mahahalagang panukalang batas ang kanilang naipasa.
Ayon kay Pimentel kabilang sa mga mahahalagang batas na naipasa ng Senado ay ang Tax Reform Law, 2018 National Budget, pagtataas ng sahod ng pulis at sundalo at iba pa.
Dagdag ni Pimentel, marami din aniyang mga isyu ang naimbestigahan ng Senado, kung saan nakapagpalabas sila ng mga committee report, rekomendasyon at maging mga isinusulong na legislation para hindi na maulit ang samu’t saring mga kontrobersya.
Iginiit din ni Pimentel na bagama’t maraming oras ang nagugol ng Senado sa imbestigasyon, hindi pa rin aniya nito napabayaan ang trabaho sa pagpasa ng mga kinakailangang batas.