Dagsa na ang mga bakasyonista sa Boracay.
Dahil dito, todo bantay ang Philippine Coast Guard o PCG sa pagbuhos ng mga turistang magbabakasyon ngayong holiday season sa isla.
Ayon kay PCG Caticlan Station Commander Eric Ferrancullo, naka-heightened alert na sila para sa Oplan Biyaheng Ayos na tatagal hanggang Enero 8.
Kasabay nito ang mahigpit na pag-iinspeksyon ng mga tauhan ng PCG sa lahat ng mga pasahero at bagahe sa Caticlan at Cagban ports.
—-