Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makahahadlang ang pakikipagkaibigan niya sa sinuman sa kanyang kampanya kontra katiwalian.
Sa isang talumpati, inamin ng Pangulo na kaibigan niya ang ilang mga opisyal ng executive department na ikinadismaya niya dahil sa madalas na pagbiyahe ng mga ito sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, napikon siya nang mabatid niyang ang ilan sa kanyang mga personal na itinalaga ay hindi mahagilap dahil lagi na lang nasa abroad.
Giit pa ng Punong Ehekutibo, ang pagbiyahe para sa napakababaw na kadahilanan ay isa ring uri ng katiwalian.
Sa huli, tiniyak ni Pangulong Duterte na hindi siya mag-aatubiling sibakin ang mga di pinangalanang opisyal kapag napatunayang nagmalabis ang mga ito sa kanilang kapangyarihan.
—-