Inimbitahang guest si Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa isang Korean show na Infinite Challenge.
Makakasama ng fighting senator ang mga Korean comedians na sina Jo Se Ho at Yoo Byung Jae.
Habang inimbitahan din maging guest crew interpreter naman ang TV host na si Ryan Bang.
Sa Instagram post ni Choo Dae Yup, hinangaan niya ang fighting senator dahil sa pagiging ‘game’ nito sa show.
Ipapalabas sa Disyembre 30 sa Korean channel na MBC ang episode kung saan makakasama ang Filipino boxing champion.
—-