Sampung barangay naman sa bayan ng Datu Montawal, Maguindanao ang nalubog sa baha matapos umapaw ang Kabacan River dahil sa walang tigil na ulan dala ng Bagyong Vinta, simula kahapon.
Ayon kay Datu Montawal Vice Mayor Oto Montawal, nasa labinlimang libong (15,000) katao na ang apektado ng baha at nagsilikas patungo sa mga mataas na lugar sa Cotabato at Maguindanao.
Umapaw din ang Malitubog-Maridagao River kaya’t nalubog sa baha ang ilang bahagi ng bayan ng Pikit, North Cotabato.
Bukod sa mga bahay, ekta-ektaryang palayan maging ang mga paaralan ang binaha sa nabanggit na lalawigan.