Nag-alok ng tulong sa Pilipinas ang European Union para sa mga biktima ng trahedya at kalamidad ngayong Christmas season.
Ayon kay EU Ambassador to the Philippines Franz Jessen, handa silang magsagawa ng humanitarian assistance o magpadala ng development funds.
Nakalulungkot anyang maraming buhay ang nasawi habang naghahanda para sa Pasko na panahon pa naman ng pagdiriwang.
Partikular na tinukoy ng EU ang mga biktima ng pananalasa ng bagyong Vinta at Urduja maging ang sunog sa NCCC Mall sa Davao City at paglubog ng isang fast craft sa Quezon Province.
—-