Planong magpatupad ng Department of Transportation o DOTr ng regulasyon kaugnay sa gradong gagamitin sa mga tinted na sasakyan na dumadaan sa mga pangunahing kalsada partikular ang EDSA
Ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport at Metropolitan Manila Development Authority o MMDA General Manager Thomas “Tim” Orbos hinihintay na lamang nila ang rekomendasyon ng technical working group kung anong grado ang gagamitin.
Batay sa tala ng isinagawang dry run ng HOV lane sa EDSA ng MMDA, aabot sa mahigit labing apat na libong (14,000) sasakyan ang bumabagtas sa EDSA na pawang mga heavily tinted vehicles.
Target na maipatupad ang nasabing panukala sa ikalawang linggo Enero ng 2018.
—-