Inirekomenda ni Senador Grace Poe na bumuo ng National Transportation Safety Board kasunod ng aksidente sa pagitan ng bus at jeep sa La Union, mismong araw ng Pasko.
Ayon kay Poe ito ang tututok sa imbestigasyon ng mga kaso o aksidente sa kalsada.
Layon din umano nito na mabigyan ng kaalaman ang publiko upang maiwasan nang maulit ang mga pagkakamali kalsada at pagmamaneho na nauuwi sa aksidente.
Kasabay nito, nagpaalala si Poe sa publiko na magkaroon ng ibayong ingat sa pagmamaneho, lalo na ngayong holiday season.
Hiling din ng Chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na magkaroon ng masusing imbestigasyon kaugnay sa naturang aksidente sa La Union na ikinasawi ng dalawampung (20) katao.
—-