Umaabot na sa 12 insidente ng indiscriminate firing ang naitatala ng Philippine National Police o PNP sa nakalipas na sampung (10) araw.
Karamihan sa mga ito ay nangyari sa Metro Manila.
Batay sa datos ng ‘Ligtas Paskuhan 2017’ ng PNP mula December 16 hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, nasa 7 katao na ang naaresto dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril.
Dalawa sa mga ito ay pulis sa Metro Manila, isa ang barangay kagawad sa Region 1 habang ang natitirang 4 ay mga sibilyan sa Region 3 at 7.
Bukod dito mayroon pang 1 pulis sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM, at 6 na sibilyan sa Metro Manila at Region 5 ang pinaghahanap dahil din sa iligal na pagpapaputok ng baril.
Tatlo naman ang kumpirmadong sugatan matapos tamaan ng bala mula sa mga insidente ng indiscriminate firing.
—-