Naka full alert status ang AFP o Armed Forces of the Philippines kasunod ng pagdiriwang ng ika – 49 founding anniversary ng Communist Party of the Philippines.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, ito ay bilang paghahanda sa posibleng pag – atake ng rebeldeng grupo.
Aniya, pinag igting na ng AFP ang kanilang pagbabantay sa mga lugar lalo na sa mga komunidad na madaling atakihin ng rebeldeng grupo.
Ngunit nilinaw ni Arevalo na nasa defensive posture lamang ang kanilang mga tropa dahil umiiral pa rin ang idineklarang ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte.