Nanawagan ng malalimang imbestigasyon ang Kilusang Mayo Uno sa nangyaring sunog sa NCCC mall sa Davao City kung saan umabot na sa tatlumput walo (38) ang nasawi.
Ayon kay KMU Southern Mindanao Regional Head Carl Anthony Olalo, dapat na tukuyin kung nagkaroon ng pagkukulang ang management ng mall sa pagpapatupad ng safety rules.
Aniya, tinukoy ng ilang mga survivor na hindi gumana ang mga fire alarms at sprinkler sa establisyemento at wala ring mga empleyado ng mall ang nanguna sa evacuation system.
Habang may ilan naman ang nagsabing naubusan ng tubig ang mga bumbero kaya hindi agad naapula ang apoy.