Pinabulaanan ng negosyanteng si Charlie Atong Ang ang akusasyong nais niyang kotrolin ang STL o Small Town Lottery Operation.
Kasunod ito ng pahayag ni PCSO General Manager Alexander Balutan na kumikilos si Ang para palitan sya sa pwesto katulong ang kaibigan nito at bagong PCSO Board Member Sandra Cam.
Ayon kay Ang, nagsisinungaling si Balutan dahil hindi naman siya nakikialam sa anomang usapin ng PCSO.
Nagkaroon lamang siya ng ugnayan kina Balutan at PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz matapos na hilingin mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Cam na kontakin nito si Ang para makatulong sa operasyon ng STL.
Una nang sinabi ni Balutan na nag alok si Ang ng 200 million kada buwan para ibigay sa kanya ang pagkontrol sa operasyon ng STL sa buong bansa na hindi naman kinagat ng PCSO officials.