Tinanggal na sa maraming sinehan ang pelikulang “Ang Larawan” na kalahok sa MMFF o Metro Manila Film Festival 2017.
Ayon kay MMFF Spokesperson Noel Ferrer, nagkasundo ang mall owners at producer na i-pull out na ang pelikula dahil hindi pinapasok ng mga manonood.
Bagama’t may mga sinehan ang tinanggal na ang larawan ay malakas naman ang hatak nito sa takilya sa Rockwell at Vertis North Cinema.
Nangako naman ang mga mall owners na muling ipapalabas ang pelikula sa January 1.
Tampok sa “Ang Larawan musical sina Paulo Avelino, Rachel Alejandro at musika ni maestro Ryan Cayabyab.
Hango ito sa dulang “A Portrait of the Artist as Filipino” na isinulat ni National Artist For Literature Nick Joaquin.