Desidido ang mga pamilya ng tatlumpu’t walong (38) nasawi sa sunog sa NCCC Mall sa Davao City na kasuhan ang pamunuan ng mall.
Ayon sa mga kaanak ng mga nasawi, may kapabayaan ang mall kahit kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) at business bureau ng lokal na pamahalaan na may fire safety inspection certificate ang mall na mapapaso pa lamang sa susunod na taon.
Batay sa salaysay ng ilang nakaligtas sa sunog, walang tumunog na fire alarm nang sumiklab ang apoy at hindi din umano gumana ang sprinklers ng gusali.
Tinitingnang sanhi ng sunog ang problema sa electrical connection sa ikatlong palapag ng mall.
Magugunitang inirekomenda na ni Bureau of Fire Protection Director, Senior Superintendent Wilberto Rico Kwan Tiu ang pagpapa – demolish sa naturang mall sa Davao City.
Disyembre 23 nang matupok ang 14 na taon nang nakatayong four – storey establishment.