Nahihirapan ang BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas na hanapin ang netizen na nag – post ng isang daang pisong (100) burado ang mukha ni Dating Pangulong Manuel Roxas.
Ayon sa BSP, sinusubukan nilang kontakin sa Facebook at tawagan si Earla Anne Yehey ngunit hindi ito tumutugon.
Aniya, kinakailangan nilang makontak ang naturang netizen upang masuri ang hawak nitong pera.
Una nang tinukoy ni BSP Governor Nestor Espenilla na isolated case ang naturang kaso at patuloy pa rin itong iniimbestigahan.