Ibinida ng Malakanyang ang mas matatag na ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa ngayong taon batay sa inilabas na 2017 year – end report.
Nakasaad sa ulat na malaking bagay sa foreign relations ng Pilipinas ang pag – host sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.
Dagdag pa ditto ang mga matagumpay na mga state at official visit ng Pangulong Duterte sa iba’t – ibang bansa.
Batay sa datos mula sa Department of Foreign Affairs o DFA, walong (8) ‘priority economic deliverables’ ang nakuha na ng Pilipinas dahil sa ASEAN Summit.
Bukod pa ito sa multi – million grants at pledges mula sa mga makapangyarihang bansa tulad ng Estados Unidos, Russia, Canada, China, Japan at New Zealand.