Pansamantalang huhupa ang malamig na panahon dahil sa paghina ng amihan, ngayong huling bahagi ng taon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, makararanas ng bahagyang mainit na panahon dahil na sa la niña phenomenon o labis na pag – ulan na tatagal hanggang unang bahagi ng 2018.
Nasa limangpo’t isang (51) lalawigan sa Mindanao at Visayas ang inaasahang makararanas ng pag – ulan simula sa susunod na taon.
Gayunman, inaasahang magbabalik ang amihan o malamig na panahon sa huling linggo ng Enero hanggang Pebrero.
Una dito, mahigpit na binabantayan ng PAGASA ang isang bagyong posibleng pumasok sa bansa ngayong katapusan ng linggo.