Walang balak ang senado na palayain si Dating Customs Chief Nicanor Faeldon.
Ito ay kahit itinalaga pa ng Pangulong Rodrigo Duterte si Faeldon bilang Deputy Administrator ng Office of the Civil Defense.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, mananatili si Faeldon sa kustodiya ng senado dahil sa pagtanggi nitong humarap sa pagdinig kaugnay sa 6.4 bilyong pisong shabu shipment sa Bureau of Customs o BOC.
Wala aniyang impact ang pagtatalaga ng pangulo kay Faeldon sa bagong posisyon sa pagkakadetene nito sa senado.
Una nang winelcome nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at OCD Administrator Undersecretary Ricardo Jalad si Faeldon sa pagsasabing malaki ang maitutulong nito para mas mapabuti pa ang operasyon ng ahensya.