Pinababalik na ng Bangladesh ang Muslim minority na Rohingya sa Myanmar.
Plano ng Bangladesh na ipadala ang may 100,000 Muslim refugees na ito para sa unang batch ng repatriation na target simula sa Enero ng susunod na taon.
Ito ay kasunod ng napagkasunduan ng mga gobyerno ng Bangladesh at Myanmar noong Nobyembre na nagpapahintulot sa pagpapabalik sa Rohingya Muslims sa sarili nilang bansa.
Matatandaang nasa mahigit animnaraang (600) Rohingya ang lumikas patungong Bangladesh dahil sa karahasan laban sa mga ito.
Sinasabing isang ‘ethnic cleansing’ ang ginagawang pagtugis at pagpatay sa mga Rohingya dahil sa ang Myanmar ay Buddhist majority.