Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) ngayong Linggo, Disyembre (31) ng 3:00 ng madaling araw.
Namataan ito sa layong 960 kilometro kada oras sa silangangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA posibleng maging bagyo ang naturang LPA sa Lunes, Enero 1, 2018 at papangalanan itong ‘Agaton’.
Inaasahan itong magla-landfall bandang hapon o kinabukasan sa bahagi ng Eastern Visayas at Eastern Mindanao.
Samantala, asahan naman ang magandang panahon ngayong huling araw ng taong 2017 sa kalakhang Maynila at posibleng makapanood ng mga fireworks display sa pagsalubong sa Bagong Taon.