Nilinaw ng Malakanyang na hindi ang mga jeep ang nakatakdang isailalim sa phase – out kundi ang mga lumang modelo o unit.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, isasailalim lamang sa modernisasyon ang mga kasalukuyang jeep para hindi na maging ‘pollutant’ na masama sa kalusugan.
Nagdeklara na aniya si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa polisiya sa paglilinis ng mga lumang jeepney.
Ito na aniya ang ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) alinsunod na din sa utos ng Pangulo.
Binigyang – diin ni Andanar na nagiging masama ang modernization program ng pamahalaan dahil sa maling impormasyon na inilalabas ng ilang grupo.