Pangkalahatang naging mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon sa Metro Manila.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde, dahil sa napakababang bilang ng firecracker – related injuries at ilang insidente ng indiscriminate firing.
Gayunman, ilang shooting incident aniya ang naitala sa pagsalubong sa 2018.
Well, in general we can say na naging peaceful.
Masaya pero peaceful.
Less ‘yung injuries, less ‘yung incidents, lalong – lalo na stray bullet. So, wala tayong problema ngayon sa stray bullet meron tayong shooting incident.
‘Yung mga na-involved naman doon ay lahat ay arestado… ‘yung mga naging suspects.
Hindi man natin masasabi na totally safe, pero at least ‘yung mga incident na ‘yun compared noon ay talagang bumaba this year.
Samantala, nakalatag na aniya ang preparasyon para sa pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.
Sa January 3 meron tayong walk through sa traslacion tapos merong meeting ng ExeCom ng January 3.
Ang traslacion is scheduled on January 9. So far wala tayong nakukuhang mga threat with regards to celebration of traslacion but then again hindi tayo pwedeng mag-relax d’yan.
Ang made-deploy nating police d’yan is more than 4,000.