Isa sa mga mahistrado ng Korte Suprema na tumestigo sa impeachment case ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang naatasang gumawa ng desisyon sa petisyon na humihiling na ipawalang – bisa ang pagpabor ng Kongreso sa isang taong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ito ay sa katauhan ni Associate Justice Noel Tiham na kabilang sa mga tumestigo sa Kamara laban kay Sereno.
Isusulat ang desisyon matapos i-raffle noong isang taon ang petisyon ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na humihiling ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction upang harangin ang pagpapalawig ng batas militar.
Bukod kay Lagman, petitioner din sina Representatives Edgar Erice ng Caloocan City, Teddy Baguilat ng Ifugao, Emmanuel Billones ng Capiz, Gary Alejano ng Magdalo Partylist at Tom Villarin ng Akbayan Partylist.
Magugunitang hinamon ni Tijam si Sereno na dumalo sa pagdinig sa Kamara upang personal na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya.