Sinuspinde na ng Philippine Economic Zone Authority o Peza ang nasunog na business process outsourcing company sa NCCC Mall sa Davao City, noong Disyembre 23.
Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, bukod sa BPO registration ang Research Now SSI, sinuspinde din ang economic zone registration ng NCCC Mall, ang gusaling nasunog kung saan tatlongpo’t walo (38) ang nasawi na karamiha’y empleyado ng naturang BPO company.
Kapwa nabigo aniyang tumalima ang Research Now SSI at NCCC Mall sa safety standards ng PEZA kahit pa ilang beses nang binalaan ang mga ito.
Inilabas ang suspension order noong Disyembre 29, 2017 at maaari lamang makapag – operate muli ang dalawang kumpanya sa oras na tumalima sa safety requirements ng PEZA, Bureau of Fire Protection (BFP), Local Government Unit (LGU) at Department of Labor and Employment (DOLE).