Balik na ang operasyon ng militar laban sa rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) 12:00 ng hating gabi ng Miyerkules, Enero 3.
Kasabay ito ng pagtatapos ng ipinatupad na unilateral ceasefire ng pamahalaan dakong 11:59 ng gabi ng Martes, Enero 2.
Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, kung pagbabatayan ang rules of engagement, otomatikong magbabalik ang offensive combat operations ng militar oras na mapaso ang idineklarang tigil putukan.
Maliban na lamang aniya kung may ibang ipag – uutos si Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag naman ni Andolong na naging pangkalahatang matagumpay ang ipinatupad na unilateral ceasefire ng pamahalaan bagama’t nagkaroon ng maliliit na labanan at paglabag ang NPA.
Nagkaroon aniya ng pagkakataon ang mga sundalo na makapagpahinga.