Tiwala si Barangay Ginebra Head Coach Tim Cone na babalik nang muli ang pagpapamalas ng galing ni Greg Slaughter.
Kasunod na din ng maganda nitong laban noong Christmas day game kontra sa Magnolia Hotshots, matapos ang pagpapagaling ng ilang buwan makaraang operahan sa kanyang bone spurs at nakapagtamo ng injury.
Nakagawa si Slaughter ng dalawangpo’t apat (24) na puntos, labing tatlong (13) rebounds at apat (4) na block shots.
Ayon pa kay Cone, si Slaughter ang kanyang itinuturing na pantapat kay June Mar Fajardo sa natakda nilang paghaharap sa Enero 28.