Naglabas na ang Bureau of Internal Revenue o BIR ng bagong table para sa withholding tax na dapat sundin ng mga employer kasunod ng pag-iral ng Tax Reform Law ngayong taon.
Ayon sa batas, hindi dapat kaltasan ng withholding tax ang mga manggagawang tumatanggap ng P20,838 pababa kada buwan.
Inilatag naman ng BIR ang withholding tax na ikakaltas para sa mga manggagawang sumusuweldo ng mas mataas sa nabanggit na halaga.
Dahil dito, sinabi ni Mon Abrea, Founding President ng Asian Consulting Group, tiyak na mararamdaman na ng maraming manggagawa ang epekto ng TRAIN Law dahil mas malaki na ang kanilang take home pay mula sa kanilang buwanang suweldo.
—-