Bumaba ang air pollution level sa Metro Manila sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay Jerry Capulong, Officer – in – Charge ng DENR – Environmental Management Bureau Air Quality Monitoring Division, hating gabi ng Disyembre 31 naitala sa Navotas City ang pinakamataas na pagbaba na 84% kumpara sa noong Disyembre 2016 sa parehong lugar.
Noong 2016 nasa 454 particulate matter 2.5 ang naitala sa Navotas City Hall habang 71 particulate matter lamang nitong nakalipas na pagsalubong.
83% naman ang naging pagbaba sa Parañaque City, 59% naman sa Taft Avenue Manila at sa Pasig City ay 46%.
Ang particulate matter 10 umano ay ang pollutants sa hangin na umaabot hanggang baga.
Habang ang particulate matter 2.5 naman ay umaabot hanggang sa daluyan ng dugo sa katawan ng tao.
Naniniwala si Capulong na dahilan ng pagbaba ng air pollution level sa Metro Manila ay dahil sa paglimita sa paggamit ng paputok noong pagsalubong sa bagong taon.