Dalawangpo’t anim (26) na mga barangay sa Panit-an Capiz ang hiniling na isailalim sa state of calamity matapos na matinding bayuhin ng bagyong Agaton.
Ayon kay Panit-an Mayor Generoso Derramas, naghain na sila ng resolusyon sa konsheo para ideklara ang state of calamity sa mga binahang barangay.
Batay sa pagtaya ng municipal administrator ng Panit-an, aabot sa mahigit animnapo’t pitong milyong piso (P67-M) ang halaga ng pinsalang natamo ng kanilang mga sakahan at pananim.
Samantala, pinag – aaralan na din ni Pontevedra Capiz Mayor Estevan Contreras ang pagsahahain ng resolusyon para isailalim sa state of calamity ang kanilang bayan.
Sa huling ulat ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, mahigit isang daan at limangpung (150) barangay pa sa lalawigan ang nananatiling lubog sa baha habang nasa siyamnaraang (900) pamilya ang inilikas.